in

The Reasons Kung Bakit Hanggang Ngayon ay Single Ka Pa Rin?

OUR TOPIC FOR TODAY is about LOVE!

Alam ko na itanong mo na sa sarili mo ang tanong na ito?

“BAKIT SINGLE PA RIN AKO?”

Kasi ako Oo, kaya nga ayoko dumalo everytime my friends invited me for a reunion kasi nga ‘di maiiwasan na itanong nila sa akin ang tanong na paulit ulit kong naririnig at ayoko ng marinig!

“WHY ARE YOU STILL SINGLE?”

Ito palagi sagot ko sa mga nagtatanong sakin, I really don’t need a boyfriend no! Masaya na ako mag isa! This is not the right time! (Pero deep inside gustong gusto ko natalaga magka-boyfriend).

I always ask myself, when is the right time? Kung matanda na ako? Kung End of the World na?

Ayoko naman tumanda na walang ka partner sa buhay no! Kahit naman ikaw diba? Kaya sa pag-isip isip ko at pagtatanong sa mga kaibigan ko, may mga bagay pala talagang dahilan bakit single pa rin AKO,IKAW at TAYO ngayon!

Kaya set back, relax and learn!

MASYADONG MATAAS ANG STANDARD MO

Ibaba mo naman kasi ang standard mo sa pag pili kasi mahihirapan ka talaga na hanapin ang magiging prince o princess mo. Hinahadlangan mo kasing mahalin o magustohan ang isang tao kung sino man siya. Kung may tatlo kang standard sa taong hinahanap mo o sa taong mamahalin mo at sumabit siya sa pangatlo, kahit na natututunan mo na siyang mahalin, you’re still not contented because for you may kulang pa rin. Hindi naman tayo perfect kasi kung naghahanap ka ng perfect for sure tatanda ka na walang partner sa buhay mo.

Always remember tumatanda tayo, hindi tayo bumabata!

 

CAREER-ORIENTED KA

Dahil sa sobrang focus mo sa work mo nakakalimutan mo na ang mga bagay na para sa sarili mo. Sige work lang ng work, kasi gusto mo makatulong sa pamilya mo o di kaya gusto mo ma promote. Overtime ka pa para masabi nila na nagsisikap ka talaga para mabuhay. Eh kumusta love life mo? NGA NGA! Kaya nga bigyan mo naman sarili mo ng time para maging masaya ka, masaya ka nga sa trabaho mo pero malungkot ka naman kasi walang taong magsasabi sayo ng “I love you” pag umuwi ka sa bahay at walang magte-text sayo para kumustahin ka kung okay ka lang? Kung kumain ka na ba.

Iba naman kasi kung ang friends or family ang magsasabi sayo ng ganyan. Kadalasan kasi nangyayari PAG BONGGA ANG CAREER, ZERO ANG LOVE LIFE!

 

FEELING GENIUS KA

Ang hirap kasi sa mga mauutak ay feeling nila tama lahat mga desisyon nila sa buhay. Minsan kasi ang mauutak gusto nila matalino rin ang maging BF/GF para naman sabihin ng mga tao sa inyo na bagay talaga kayo kasi pareho kayong matatalino pero di mo alam na minsan nakaka-turn off din ang sobrang mautak kasi pag magkasama kayo lagi pinag uusapan niyo about politics, universe at history hahaha! I think mas okay siguro kung maypagka tanga ka.

 

TAKOT KA MASAKTAN

Ito kasi kadalasan nangyayari kung bakit nahihirapan ka mag hanap ng ka partner mo sa buhay kasi takot ka masaktan sa pag-ibig. Bakit ka matatakot? kasi nangyari na sayo dati na minahal ka at minahal mo pero iniwan ka pa rin? O takot ka lang masaktan kasi yun ang naririnig mo sa mga tao?

Ibahin mo ang pag iisip na ganyan, wag ka matakot mag try ka ulit, bigyan mo ng chance ang iba na mahalin ka. Porket nasaktan ka ay ayaw mo na? Sige ka! Ikaw rin ang magsisisi.

Lahat naman tayo dumadaan sa proseso na masasaktan talaga, normal lang yan.

 

BADING O TIBO KA

Totoo!

Ito talaga kadalasan nangyayari ngayon, may nagkagusto sayong babae kaso bakla ka at kung may nagka gusto sayo na lalaki kaso tibo ka.

Hay naku! Ang gulo!

Maganda ka nga kaso maganda rin hanap mo. Gwapo ka nga kaso gwapo rin hanap mo.

Pero hindi naman hadlang ang pagiging bading o tibo para makahanap ng partner sa buhay mo. Siguro ito ang nagiging dahilan kaya single ka pa rin kasi nga magulo ang isip mo pero kung masaya ka naman sige GO GO GO!

 

HOMEBODY KA KASI

Ayaw mo lang lumabas kasi tamad ka or conservative lang talaga parents mo. Lumabaslabas ka naman kasi napag iiwanan ka na ng panahon.

Kailan mo gusto lumabas?

Kung tumanda ka na?

Pumunta ka ng mall baka madaming makikipagkilala sayo dun kasi maraming single sa mall hindi lang ikaw. Try mo sumama sa mga party kasi sigurado marami ka makikilala dun basta wag lang pabayaan ang sarili. Lumabas ka wag puro cellphone, facebook, instagram, twitter at tv ang laging kaharap mo kasi di naman sila ang magiging BF/GF mo.

 

BAKA LOSYANG O BURARA KA

Utang na loob dapat before ka lumabas ng bahay make sure maganda o gwapo ka. Kahit di ka pogi o maganda basta ang importante hindi ka amoy patay kasi mahihirapan ka talaga mag hanap ng partner pag mabaho ka at di ka naka ayos. Mag ayos ka naman wag mo pabayaan ang sarili mo. importante kasi na dapat maayos tayo o maganda tayo sa mata ng ibang tao kasi sa physical look talaga sila unang na a-attract sunod na ang ugali.

 

ANG SUNGIT MO KASI

Dapat maging mabait ka kung gusto mo makahanap ng partner mo sa buhay, baka kasi natatakot sila manligaw sayo kasi masungit ka.

Hello!?

Ano ba plano mo sa buhay?

Hindi ka naman presidente ng Pilipinas na maraming problema na hinaharap. Try mo kayang ngumiti sa kanila dapat kang maging approachable ng konti para naman maganda ka tingnan. Sige ka mas lalo kang pumangit pag ganyan ka. Wala kang mahahanap na partner kung bad ka. Huwag na huwag kang pintasero kung kapintas-pintas ka rin naman.  Smile and the whole world smiles at you and always be positive.

 

HAPPY-GO-LUCKY KA

Yung mga taong walang alam kundi kasiyahan at trippings.

Kahit sino na lang basta ‘No strings attached’, for fun kung baga.

Walang halong seryosohan kasi gusto mo walang mag sasabi sayo na bawal yan.

Aba, yang init ng katawan mo, ikiskis mo na lang sa pader.

Naku!  Makakahanap ka rin ng katapat mo. TRUST ME!

 

BAKA NAMAN TALAGANG MAGING SINGLE FOREVER KA

Ito talaga ang pinaka mahirap ang maka tadhana na maging single ka talaga forever baka kasi gusto ni God na maging pare o madre ka. Ito ang dapat mong gawin, humingi ka ng sign kay God. Kasi kung yan talaga ang naka tadhana para sayo dapat tanggapin mo nalang. Maging masaya ka nalang sa mga nangyayari sa buhay mo. Importante masaya ka sa buhay mo pero kung di ka naman masaya, pilitin mo talaga maging masaya! hehehe

 

Ano naman kung single ka pa rin di ba?  At least kung may giyera, mag-isa kang tatakbo. Kung may masamang mangyari sa mundo wala ka nang iisiping asawa’t anak na ililigtas mo.  Kung single ka makakatipid ka sa pera mo makakakain ka pa rin sa gusto mong mga restaurant o fast food.  Kung para sayo talaga yan, darating naman yan.  In the meantime, be happy.  Masarap ang buhay.

LIVE LIFE TO THE FULLEST!  

Heart Balloon

VOTE AND SHARE!

 

Masaya ba maging SINGLE?

Oo
Hindi

Sage Quotes

What do you think?

-1 points
Upvote Downvote

Total votes: 1

Upvotes: 0

Upvotes percentage: 0.000000%

Downvotes: 1

Downvotes percentage: 100.000000%

Written by John Kevin Durano

Be an ESCooper! If you love writing about FOOD, TRAVEL, AUTO, BUSINESS or any RELEVANT thoughts or stories that matter, be one of our  ESCooped's CONTRIBUTOR.

For PARTNERSHIP, INVITATIONS, ADVERTISINGSPONSORSHIPS and other inquiries, please feel free to email us at hello[at]ESCooped.com or use our Contact Form.

9 Comments

Leave a Reply
  1. HAHA. I love this. Some of your points I do agree, some are not. Of course this is because we have different experiences so not all the time are accurate. Like for example, you should be “mabait”, not all the time you want to be like that just for the sake that you would not be rejected but I rather prefer being who you are cause the RIGHT PEOPLE for you UNDERSTANDS. Hehehe

    • I agree with the article which means you really need to behave for you to gain trust. Although, you also have a point but the thing about this article is you need to be gentle and act like a grown up man or woman.

  2. nakakatawa na umabot na ko sa point na tinanong ko na si google kung bakit?
    after reading the article
    me: ahh okay. hahahahaha

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Globe dares PCC

Globe scores PCC for inconsistency of applying rules

AirAsia Places Major Order for 100 A321neo Units